halalan
National

160,000 pulis, ipakakalat sa panahon ng halalan

NAGDAGDAG ng pwersa ang Philippine National Police (PNP) na magbabantay sa halalan sa darating na Mayo 13.

Sinabi ni PNP Spokesperson Police Colonel Bernard Banac na itinaas nila sa 160,000 ang bilang ng mga pulis na idedeploy sa buong bansa para tiyakin ang kaayusan ng eleksyon.

Ayon kay Banac, mas mataas ito sa dating itinalaga na 143,000.

sinabi ni Banac na nanatiling naka-full alert status ang pwersa ng pulisya kasabay ng pagtitiyak na handa na ang mga pulis na panatilihin ang peace and order sa kasagsagan ng araw ng halalan.

Sa kabila naman ng pagtaas ng bilang ng police deployment, nilinaw ni Banac na walang natatanggap ang PNP na banta mula sa anumang grupo sa halalan.

Samantala, sinabi ni Banac na pumalo na sa 4.839 ang naaresto sa Focused Operation ng PNP mula Enero 13 hanggang Abril 29.

Habang nasa 4,038 na mga baril ang isinuko at nakumpiska.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *