16,000 healthcare workers hindi pa nakatatanggap ng hazard pay

16,000 healthcare workers hindi pa nakatatanggap ng hazard pay

HINDI pa natatanggap ng umaabot sa 16,000 healthcare workers ang kanilang hazard pay, ilang buwan matapos nilang pangunahan ang pagharap sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa bansa.

Ito ang lumabas sa pagdinig ng Senado sa panukalang budget ng Deparment of Health (DOH) para sa 2021.

Ayon kay Senadora Pia Cayetano, nakapaglabas na ng umaabot sa P842-milyon na pondo ang pamahalaan  para sa hazard pay ng mahigit 86,000 mga medical frontliners.

Gayunman, higit 16,000 pang mga health workers ang napag-iwanan at hindi natatanggap ang kanilang benepisyo.

Sinabi ni Cayetano, pangunahing dahilan nito ay ang kawalan ng karagdagang pondo ng Department of Health (DOH).

Aniya, sapat lamang ang naunang pondo para sa panahon ng pagpapatupad ng naunang Bayanihan Law kaya hindi na inabot ng mga bagong kuhang health workers ng pamahalaan.

Sa isa pang pahayag, sinabi ni Senator Kiko Pangilinan na may mga nagpaabot sa kaniya na sumbong na hindi naibibigay sa mga health workers lalo na sa public hospitals ang kanilang mga hazard pay.

Mula sa P500 na itinakdang daily compensation, ang iba ay nakatanggap lamang ng 150, 250, o 450

“May mga nagsusumbong po sa amin na hindi naibibigay ang hazard pay ng mga nurses, medical technologists, at iba pang mga health workers sa ating mga public hospitals. Yung iba naman daw, hindi fixed o hindi buo, merong P150, merong P250, at meron ding P450,” pagbubunyag ni Pangilinan.

Giit pa ni Pangilinan sa ilalim aniya ng Bayanihan 1, Republic Act 11469, in Section 4(D), naglaan ang pamahalaan dito ng “’COVID-19 special risk allowance’ labas pa ito sa nakapaloob sa Magna Carta of Public Health Workers, Republic Act 7305 na dapat tanggapin ng mga frontliners.

“Bayanihan 1, Republic Act 11469, in Section 4(d) also provides for a “’COVID-19 special risk allowance’ in addition to the hazard pay granted under the Magna Carta of Public Health Workers, Republic Act 7305.” 

Giit naman ni Cayetano, kailangan ng ahensiya ng P108.2 million, para bayaran ang naturang mga workers.

Dagdag ng senadora, plano ng DOH na humiling ng isa pang pondo para mabayaran ang hazard pay sa ikatlong Bayanihan law.

Sa makailang beses na panayam, sinabi ni Senator Bong Go na pinag-aaralan na nito ang pagsasabatas ng Bayanihan 3 para tustusan ang mga pangunahing pangangailangan ng pamahalaan lalo na sa mga kalamidad at ang kasalukuyang problema sa COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *