160 Filipino athletes, ipadadala ng POC sa AIMAG 2021

160 Filipino athletes, ipadadala ng POC sa AIMAG 2021

MAGPAPADALA ang Philippine Olympic Committee (POC) ng isang daan at animnapung Filipino athletes para sa 6th Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) sa susunod na taon.

Ayon kay POC President Abraham Tolentino, ipadadala na nila lahat na may potensyal na makasusungkit ng medalya para sa nasabing tournament.

Target din nila na malampasan ang performance ng Philippine delegation sa AIMAG noong 2017 kung saan naipanalo ng Pilipinas ang dalawang gold medal sa jiu jitsu.

Sasali naman ang Pilipinas sa alawamput isa mula sa tatlumput isang events sa naturang 6th AIMAG.

Kasama dito ang larangan ng aquatics, 3×3 basketball, billiards, bowling, chess, dancesports, e-sports, indoor athletics, indoor rowing, jiu jitsu, karate, kickboxing, kurash, muay, pencak silat, sambo, sepak takraw, shooting, skateboarding, taekwondo at wrestling.

March 10 hanggang 20, 2022 isasagawa ang 6th AIMAG sa Bangkok at Chonburi, Thailand.

Orihinal na naka-schedule ang 6th AIMAG nitong may 2021 subalit naudlot dahil sa pandemya.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *