16 na bagong kaso ng COVID-19 UK variant sa Pilipinas, kinumpirma ng DOH

16 na bagong kaso ng COVID-19 UK variant sa Pilipinas, kinumpirma ng DOH

NAITALA ang labing-anim na bagong kaso ng COVID-19 UK variant sa bansa ayon sa kinumpirma ng Department of Health (DOH)..

Ayon sa ahensiya, nadiskubre ang bagong kaso ng nasabing mas nakahahawang virus sa 12 na pasyente sa Bontoc, Mountain Province.

Sa labing-dalawang pasyente na may COVID-19 variant, pito dito ang lalaki habang lima naman ang babae at tatlo sa mga ito ay 18-taong gulang pababa at tatlo rin ang 60-taong gulang pataas.

Kaagad namang isinagawa ang contact tracing ng 12 pasyente upang mapigilan ang pagkalat ng virus at iniimbestigahan na rin ang exposure at travel history ng mga pasyente.

Ang dalawa pang pasyente na may kumpirmadong COVID-19 variant ay overseas Filipino workers (OFWs) na umuwi mula sa Lebanon nakaraang Disyembre 29.

Kapwa sa mga OFW ay sakay ng Philippine Airlines flight PR 8661.

Isa ang bansang Lebanon sa kabilang sa may travel restrictions dahil na rin sa pagkadiskubre ng new variant sa nasabing bansa.

Naitala rin ang isa pang rekord ng COVID-19 variant sa Laguna mula sa isang lalaking 23-taong gulang at isa rin mula sa La Trinidad, Benguet na kasalukuyang sumailalim sa quarantine.

Ayon sa DOH, sa 16 na bagong kaso, tatlo sa mga ito ang nakarekober na habang 13 ang active cases.

Matatandaan na unang naitala ang kaso ng bagong COVID-19 UK variant sa bansa noong Enero 13 sa isang Pilipinong residente ng Quezon City na bumiyahe sa Dubai noong Disyembre 27 at bumalik sa Manila noong Enero 7.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *