Social Security System (SSS)
National

13th month pension ng Social Security System (SSS), matatanggap na sa susunod na linggo

MAGANDANG balita para sa mga pensioners ng Social Security System (SSS).

Mula sa susunod na linggo ay matatanggap na ng mga SSS pensioners ang kanilang 13th month pension.

Ayon sa SSS, mula Nobyembre 29, araw ng Huwebes ay makukuha na ng mga pensioners ang kanilang bonus.

Katumbas ito ng kanilang buwanang pension.

Naglaan ang SSS ng P22-billion para sa 2.4 milyong SSS pensioners

Naglaan ang SSS ng P22-billion para sa 2.4 milyong SSS pensioners na pagkakalooban ng 13th month bonus ngayong taon.

Patunay aniya ito na malaki ang pakinabang ng mga pensioners.

Mula sa pagpupursigi ng pamahalaan na mabigyan sila ng mas pinahusay na pagseserbisyo ng administrasyon.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *