pitong pulis
National

Pitong pulis Las Piñas sa pangingikil patuloy na tinutugis

PATULOY na tinutugis ng Philippine National Police (PNP) ang pitong pulis Las Piñas

Nagtago ang mga ito matapos sibakin dahil sa pangingikil sa isang naarestong drug suspect.

Ayon kay NCRPO Director Guillermo Eleazar, hindi sila titigil sa pagtugis sa nasabing mga pulis.

Miyembro ang mga naturang pulis ng Las Piñas PNP-Drug Enforcement Unit.

Sinibak sa puwesto ang hepe ng Las Piñas Police

Kasama sa sinibak sa puwesto ang hepe ng Las Piñas Police na si Sr. Supt. Marion Balonglong.

Inihahanda na ng pulisya ang pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo laban sa mga opisyal sakaling sumuko o mahuli ang mga ito.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *