PINAIGTING
National

PDEA, pinaigting ang security measure sa mga dalaw ng bilanggo

PINAIGTING ng PDEA ang seguridad na ipinatutupad sa mga dumadalaw sa mga nakabilanggo sa piitan ng ahensya.

Isa-isang kinakapkapan at hinahalungkat ang mga pagkain damit at iba pang dala-dala ng mga dalaw ng bilanggo.

Upang matiyak na walang makalulusot na anumang kontrabando lalo na ang iligal na droga.

Pinapatanggal din ang suot na mga alahas, at pinagbabawal sa babae ang naka short, naka sleeveless nakatsinelas gayundin sa lalaki.

Matapos ma-check saka ito  papasukin sa loob ng compound ng PDEA.

Pagdating naman sa loob ng compound ng PDEA dadaan uli ang mga dalaw sa PDEA Jail Office on Duty.

At iisa isahin uli ang  mga dala ng dalaw bago na ito papasukin sa loob ng jail ng PDEA.

At tatagal sila ng hanggang alas 5:00 ng hapon.

May paalala ang PDEA sa mga dadalaw sa kanilang mga kamag-anak na nakakulong sa PDEA.

Ayon sa ahensya, huwag na nilang tangkain pa na magpasok ng droga sa loob ng jail.

Dahil bawat kilos nila maging ang mga nakakakulong ay namomonitor sa CCTV camera nakakalat sa loob ng compound ng PDEA.

 Ulat ni Jimmy Mendoza

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *