National

Full disclosure sa mga deals ng Pilipinas at China nais ipasapubliko

MARIING kinukuwestiyon ngayon ng Oposisyon Koalisyon ang aabot sa tatlumpong kasunduang pinirmahan ng nasabing dalawang bansa.

Ilang oras bago magtapos ang state visit ni Chinese President Xi Jinping sa Pilipinas.

Karapatan ng Pilipino na malaman ang nakapaloob sa ilalim ng mga kasunduang ito.

Ayon ito sa pahayag ni DLSU Dean at Senatorial Candidate Atty. Chel Diokno.

Sinegundahan naman ni dating SolGen Florin Hilbay ang nasabing hinaing ng oposisyon.

Kung saan isang paglabag aniya ito sa konstitusyon ng bansa ang hindi paglalantad ng impormasyon na dapat malaman ng taumbayan.

Sa huli ikinababahala ng mga opisyal ng oposisyon ang tila lantaran umanong pagbebenta ng bansa sa China.

Lalo na sa seguridad ng ekonomiya, ari-arian at teritoryo ng bansa.

Sa kabilang banda hindi naman pinipigilan ng kritiko ang pangulo sa pakikipagkaibigan sa China.

Ngunit panawag nito na itigil ang pagpapa-alipin ng bansa sa Tsina.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *