1,509 minors na may comorbidities, nabakunahan sa unang linggo ng pediatric vaccination— DOH

1,509 minors na may comorbidities, nabakunahan sa unang linggo ng pediatric vaccination— DOH

NASA 1,509 menor de edad na may comorbidities, edad 15 hanggang 17 ang nabakunahan kontra COVID-19 sa unang linggo ng rollout ng pediatric vaccination.

Ayon kay Department of Health (DOH) Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, “very successful” ang pilot vaccination sa naturang age group.

Ani Vergeire, nakatanggap sila ng mga report na ilang minor ang nakaranas ng side effect gaya ng allergies, pagtaas ng presyon at anxiety related.

Nilinaw naman ni Vergeire na hindi pa opisyal ang datos dahil kinukumpleto pa ng DOH ang assessment.

Sinabi ng health official na tutukuyin ng pamahalaan kung ang vaccination ay gagawin sa mas maraming minor at iba pang lugar sa susunod na dalawa hanggang tatlong linggo.

Sa taya ng DOH, mayroong 1.2 milyong bata na may comorbidities, edad 12 hanggang 17 taong gulang sa buong bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *