National ID
National

PSA, target ang National ID sa 2023

POSIBLENG abutin pa ng taong 2023 bago mabigyan ng National ID ang lahat ng Pilipino.

Ito ay matapos ilahad ng Philippine Statistics Authority o PSA ang timeline nito.

Kasunod ng inilabas ang Implementing Rules and Regulation kamakailan ng Philippine Identification National System.

Ayon kay National Statistician at Civil Registrar General Dr. Lisa Grace Bersales na uutay-utayin ang pagbibigay ng National ID.

Magsisimula sa Setyembre ng susunod na taon ang full scale registration.

Habang sa susunod na linggo isasagawa ang bidding para sa proof of concept.

Ito ay para sa nasa isang milyong Pilipino na benepisyaryo ng unconditional cash transfer.

Habang 5 na milyong Pilipino naman ang target na unang makakatanggap ng National ID sa 2019.

Nasa 25 million naman ang target ng magkaka National ID sa taong 2021 at 2022.

Sa taong 2020 naman magsisimula ang registration ng mga overseas Filipino workers sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs.

Ipinunto ni Bersales na sa sandaling makuha na ang National ID ng isang indibidwal, maaari na itong magamit sa transaksiyon.

Kagaya ng transaksyon sa ibat ibang ahensiya sa pamahalaan.

Pero paglilinaw ni Bersales, hindi saklaw ng National ID system ang pasaporte, driver’s license.

At iba pang kahalintulad na ID gaya ng PRC ID.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *