15 na panibagong kaso ng COVID-19, naitala sa bansa

15 na panibagong kaso ng COVID-19, naitala sa bansa

NAKAPAGTALA ng 15 na panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 ang Department of Health.

Dahil dito, tumaas pa sa 202 ang bilang sa nagpositibo na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nasa 17 naman na ang bilang ng nasawi matapos pumanaw ang tatlong biktima kahapon.

Inanunsyo naman ng doh na nakarekober sina Ph15, Ph26 at Ph13.

Sa ngayon nasa pito na ang nakarekober sa COVID-19 sa bansa.

Samantala, iginiit ng World Health Organization (WHO) na hindi sapat ang pagpatutupad ng social distancing at travel restriction upang mapigilan ang paglaganap ng COVID-19.

Binigyan diin ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, dapat ay mas bigyang prayoridad ng mga bansa ang pagsasagawa ng testing, isolation at contact tracing.

Aniya, ito ang backbone ng pagtugon sa kasulukuyang pandemic.

Ang pinaka epektibo aniyang paraan upang matuldukan ang pagkalat ng coronavirus at maputol ang chain of transmission at para magawa ito ay kinakailangan ang pag-test at pag-isolate.

Kinakailangan ding malaman ng mga bansang apektado kung hanggang saan na kumakalat ang virus.

Sa pinakahuling datos, nasa higit 207,860 katao na ang infected ng sakit sa buong mundo kung saan kabuuang 8,657 ang nasawi.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *