15 katao, nasalinan ng COVID-19 virus sa kaarawan ng isang pusa

15 katao, nasalinan ng COVID-19 virus sa kaarawan ng isang pusa

TINAMAAN ng COVID-19 virus ang 15 katao matapos ipinagdiriwang ang isang birthday party para sa isang pusa sa Santo Domingo, Valparaiso, Chile.

Ayon sa ulat ng local media, lahat ng sampu katao na lumahok sa selebrasyon ay nahawaan ng nasabing virus at kanila naman itong naipasa sa lima pa nilang kamag-anak at kaibigan.

Karamihan sa nasalinan ng COVID-19 ay nasa kritikal na kondisyon.

Nabatid na ang may-ari ng pusa ang tinuturing na ‘patient zero’ na ipinasa ang virus sa lahat ng kanyang mga panauhin.

Ayon kay Francisco Alvarez, ng Valparaiso Regional Secretary of the Ministry of Health, wala namang virus ang pusa at aniya nagsimula ang virus sa birthday organizer na siyang may-ari ng hayop.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *