itatayo
Regional

15 diversion dams na itatayo sa Caraga Region, makakatulong sa produksiyon ng palay

SIGURADONG mas mapapabuti ang pagsasaka sa lahat ng probinsya ng Caraga Region sa panahong makumpleto na ang itatayong 15 small-scale irrigation systems dito.

Ayon sa Department of Agriculture Caraga Region (DA-13), nasa Php 46 million ang inilaan ng gobyerno sa naturang proyekto.

Ang diversion dam project ay personal na isinulong ng mga farmers’ groups at irrigators’ associations sa rehiyon.

Sa katunayan, pito dito ay nakumpleto na at matatagpuan sa Surigao Del Sur, Surigao Del Norte at Butuan City.

Ang mga natapos na small scale dam ay na-turnover na sa mga officer at miyembro ng Cagbaye Farmers Irrigators Association (CFIA-SWISA) at Camam-onan Farmers Samahang Walang Iwanan sa Agrikultura (CFSWISA).

Nakapangako naman ang DA-13 na ibibigay sa mga magsasaka ang mga natitirang Diversion Dam sa oras na matapos na ang mga ito.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *