Kadayawan Festival
Regional

14th Kadayawan Festival, ipagdiriwang sa loob ng isang buwan

PORMAL ng binuksan ngayong araw ang isang buwang selebrasyon ng ika-labing apat na Kadayawan Festival.

Sinimulan ang selebrasyon sa isang misa na susundan ng Subang Sinugdanan ug Pag-Abli sa Kadayawan o Official Opening Ceremony ng Kadayawan Festival.

Tampok naman sa selebrasyon ngayon taon ang ilang major events tulad ng Hiyas sa Kadayawan, Indak-Indak sa Kadayawan at Pamulak sa Kadayawan.

Ayon kay Davao City Sara Duterte sa pag-guest nito sa programang Give Us This Day ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa SMNI, Oktubre pa lamang ng 2018 ng sinimulan nilang paghandaan ang naturang festival.

Ito ay bilang alay aniya ng Davao City sa pagpapasalamat, pagdarasal at pagkilala sa pagkaka-iba-iba ng mga nakatira sa lungsod.

Ipakikita rin aniya sa isang buwang selebrasyon ang pagpapakilala ng masaganang ani at produkto ng Davao, kultura at tradisyon.

Naniniwala si Sara na ginawa nilang isang buwan ang selebrasyon para mapanatili ang pagpasok ng turista sa Davao.

Kabilang rin sa matutunghayan sa pagdiriwang ang Kadayawan sa Davao 3D light show, mula alas-sais hanggang alas-dyes ng gabi sa city hall.

TROY GOMEZ

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *