Amang Makapangyarihan
National

Pastor Apollo pinangunahan ang matagumpay na King is Coming Tour sa General Santos City, Philippines

SA kabila ng kabi-kabilang katagumpayan at pagpapala ng Amang Makapangyarihan sa kanyang Bansang Kaharian sa paglipas ng taon, ay nagpapatuloy pa rin ang walang humpay na pagpasok ng milyong-milyong mga Anak ng Makapangyarihang Ama sa kanyang Kaharian upang sumunod sa Kalooban ng Ama sa pamamagitan ng kanyang Hinirang na Anak sa mga huling araw na ito, walang iba kundi si Pastor Apollo C. Quiboloy.

At nitong Linggo lamang ay isang espesyal na Thanksgiving at Worship Presentation ang pinangunahan ni Pastor Apollo sa General Santos City, bilang bahagi ng kanyang King is Coming Tour General Santos City.

Pinangunahan naman ng mga Kingdom musician ang pagbibigay papuri sa pamamagitan ng makalangit na awitin, bilang pasasalamat sa mga biyayang ibinuhos ng Amang makapangyarihan sa kanyang bansang Kaharian.

Sinabayan naman ito ng mga nagsipagdalo sa nasabing pagtitipon, maging ng mga libo-libong nanonood sa ibat-ibang panig ng mundo via Sonshine Media Network International, at 17 Sonshine Radio Stations sa buong Pilipinas, at maging sa internet via Livestream.

Bukod sa mga Kingdom Citizen, symphatizers, first time at walk-in visitors, covenant partners, televiewers at tagapakinig sa mga programa ng butihing Pastor sa Radyo, ay dumalo rin sa nasabing pagtitipon ang mga espesyal na panauhin at mga kaibigan ng ministry.

At ang pinakahihintay ng lahat ay ang mangusap ang Hinirang na Anak ng Diyos, dala-dala ang mga preskong Mana ng Kapahayagan mula sa Makapangyarihang Ama na siyang maghahatid sa bawat isa sa tunay na kaliwanagan at kalayaan mula sa pagkakaalipin sa kasalanan, patungo sa kalayaan na sumunod sa Kalooban ng Amang Makapangyarihan.

At kitang-kita rin sa bawat isa ang kanilang pasasalamat sa Makapangyarihang Ama dahil sa pagkakataong makasama at makita ng personal ang kanyang Hinirang na Anak at makatanggap ng kaligtasan sa pamamagitan ng mga mensahe na dala-dala ni Pastor Apollo.

Samantala, isa namang espesyal na panalangin naman ang idinulog ng Hinirang na Anak ng Diyos sa Amang makapangyarihan para sa mga nagsipagdalo sa Thanksgiving at Worship Presentation sa General Santos City.

Tunay ngang wala ng makakapigil pa sa paglaganap ng mga Salita ng Amang Makapangyarihan sa buong mundo at maging ang patuloy na pagdami at pagpasok ng mga anak na lalake at babae ng Ama sa kanyang bansang Kaharian dito sa lupa.

Samantala, samahan ang Hinirang na Anak ng Diyos para sa pagpapatuloy ng King is Coming Tour nito sa Butuan City para sa isa na namang espesyal na Thanksgiving and Worship Presentation ngayong Setyembre 23, 2018.

Patuloy lamang na sumubaybay dito lamang sa Sonshine Media Network International para sa mga pinakahuling kaganapan sa bansang Kaharian at sa mga aktibidad ng Hinirang na Anak ng Diyos.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *