14 nasawi, 7 nawawala dahil sa bagyong Jolina— NDRRMC

14 nasawi, 7 nawawala dahil sa bagyong Jolina— NDRRMC

UMABOT na sa labing-apat katao ang naitalang nasawi, dalawampu ang sugatan at pito ang nawawala  dahil sa bagyong Jolina.

Ito ang kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong araw matapos matanggap ang impormasyon.

Patuloy naman ngayon ang beripikasyon sa tatlong katao na nasawi, tatlong nawawala at apat na sugatan sa Naro, Masbate, maging ang isang nasawi sa Buenavista, Marinduque.

Dagdag pa ng NDRRMC, tatlong mangingisda ang naiulat na nawawala dahil sa bagyong Jolina sa lugar ng Culaba, Biliran, habang mula sa labindalawang mangingisdang nawawala sa Catbalogan, Samar, pito ngayon ang patuloy na pinaghahanap matapos ma-rescue ang lima.

Sa ngayon umabot na sa mahigit dalawampu’t walong libong pamilya o mahigit sa isandaang libong indibidwal ang kabuuang bilang ng naapektuhan ng bagyong Jolina mula sa Central Luzon, Bicol, Mimaropa, Eastern Visayas, Western Visayas, Soccsksargen at Metro Manila.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *