top secret spy submarine
International

14 katao, patay sa nasunog na top secret spy submarine sa Russia

PATAY ang 14 na sailors matapos masunog ang sinasakyang top secret spy submarine sa Russia.

Ayon sa Russian officials ay nagsasagawa ng underwater research ang submarine sa northern territorial waters ng bansa nang maganap ang insidente.

Nasawi ang mga pasahero matapos makalanghap ng nakalalasong gas dala ng apoy habang di pa matukoy ang pinagmulan ng sunog.

Sinabi naman ni Russian Pres. Vladimir Putin na mga highly professional ang sakay ng top secret spy submarine kung saan pito dito ay may ranggong kapitan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *