136.1-M doses ng COVID vaccines, inaasahan na darating sa loob ng anim na buwan

136.1-M doses ng COVID vaccines, inaasahan na darating sa loob ng anim na buwan

INAASAHANG darating sa Pilipinas ang 136.1-M dosis ng COVID-19 vaccines sa loob ng anim na buwan.

Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., mayroong 164 milyong dosis ang binili ng gobyerno habang mula COVAX facility at donasyon naman ang iba.

Mula sa 164 million doses, natanggap na ang 27.9 milyon o 17 porsyento habang 136.1-M COVID-19 vaccines naman o 83 percent ang inaasahan pang darating sa loob ng anim na buwan.

Listahan ng 164 milyong dosis na na-secured ng bansa:

Sinovac – 26 million doses

Pfizer – 40 million doses

Moderna – 20 million doses

AstraZeneca – 17 million doses

Sputnik V – 10 million doses

COVAX donation – 44 million doses

COVAX cost-sharing – 5 million doses

Donasyon – 2 million doses

Ayaw magpabakuna na, huwag lumabas ng bahay

Samantala, hiniling ni Pangulong Duterte sa national at local quarters na paigtingin ang vaccine information at education campaign upang mas mapataas pa ang kumpiyansa sa COVID-19 vaccines.

Saysay ng Punong Ehekutibo, dapat lamang na malaman ng publiko ang kahalagahan ng bakuna kontra coronavirus.

Pero, kung ayaw talagang maniwala ng ilang indibiwal sa kahalagahan ng pagbabakuna, sabi ni Pangulong Duterte na mas maiging huwag na lang lumabas ng tahanan para walang mahawa ang mga ito.

“So kung ayaw talaga ninyong maniwala eh wag na lang kayong lumabas ng bahay para wala kayong mahawa at kung ganyan ang — if that is your state of mind, actually to me you are antisocial, para kang galit sa tao. You are antisocial because in face of the danger confronting you and knowing full well that it is really dangerous, you choose the path of this resistance by just not getting the vaccine at all,” ayon kay Duterte.

Higit 42-M Pilipino, rehistrado na

Sa kabilang dako, nagbigay naman ng ulat ang Department of the Interior and Local Government (DILG) patungkol sa national vaccination program.

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año, nasa 42.26 milyong Pilipino na eligible individuals at kabilang sa priority list ang nakapagrehistro na vaccination monitoring system.

Base ito sa database ng Local Government Units (LGUs) sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Magandang balita po ito, dahil malapit na sa kalahating porsyento ng kabuuang populasyon na handa na magpabakuna at naghihintay na lang ng karagdagang doses upang sila ay mabigyan ng vaccine,” pahayag ni Año.

Dagdag pa ni Año, mayroon nang 28,598 quarantine facilities sa buong bansa para sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

Habang nasa 25,989 COVID-19 vaccination action plans naman ang naisumite ng mga LGU at 36,823 ang naitalagang barangay health emergency response teams.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *