1,300 na contact tracers, idinagdag sa contact tracing sa Quezon City

1,300 na contact tracers, idinagdag sa contact tracing sa Quezon City

PINAIGTING ng Quezon City ang contact tracing kasunod ng paglalagay ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng karagdagang 1,300 na contact tracers sa lungsod bilang tugon sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Sa mga karagdagang contact tracer, ang lungsod ay mayroon na ngayong higit sa 2,600 na mga contact tracer na mag-iinterbyu ng mga kaso ng COVID-19 upang makalikom ng data sa kanilang na close contact, travel history at pagsusuri sa kalusugan.

Nasa kabuuang 1,347 na contact tracers na tinanggap sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced Workers (TUPAD) sa pamamagitan ng DOLE ay lumahok sa oryentasyon ng QC Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) noong Lunes.

Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Mayor Joy Belmonte ang kanyang pasasalamat sa DOLE sa pag-deploy ng mas maraming contact tracer sa lungsod.

“We are very thankful to the Department of Labor and Employment for deploying more contact tracers. Kailangang-kailangan natin ito dahil tayo ang pinakamalaking lungsod sa National Capital Region,” ayon kay Belmonte.

Sinabi pa ng mayora na ang susi para mapigilan ang pagkalat sa virus ay ang contact tracers.

“Contact tracers ang pinakasusi para mapigilan na natin itong pagkalat pa ng virus sa ating mga komunidad. Balewala ang lockdown kung hindi mabilis at maagap ang pagkilos ng contact tracing army ng lungsod,” ani Belmonte.

Tiniyak din ni Belmonte sa mga contact tracer na wala silang dapat ikatakot lalo na gawin ang kanilang mga tungkulin dahil sila ay protektado ng batas, partikular sa Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Disease and Health Events of Public Health Concern Act.

Kaya naman, pinapaalala ni Mayor Belmonte sa lahat ng contact tracers na huwag matakot gampanan ang kanilang responsibilidad dahil sagot sila sa lahat ng pangangailangan nila ayon kay Mayor Belmonte.

(BASAHIN: Quezon City LGU, nanawagan kay Angel Locsin na tumulong sa isasagawang massive testing)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *