13-year-old Pinay, grand winner sa The Voice Kids UK 2020

13-year-old Pinay, grand winner sa The Voice Kids UK 2020

SA katatapos lang na “The Voice Kids UK 2020,” itinanghal na grand winner ang 13-taong gulang na Pinay singer na si Justine Afante mula sa team ni Pixie Lott.

Tinalo ni Afante ang 7-year-old Filipino singer na si Victoria Alsina mula sa team ni Will.I.Am, George Elliot mula sa team ni Danny Jones at Dara McNicholl mula naman sa team ni Paloma Faith.

Dahil dito, mag-uuwi si Afante ng 30,000 pounds at ultimate VIP Theme Park experience sa Universal Orlando Resort.

Sa kanyang finale, napa-wow ni Afante ang apat na mga coaches sa kanyang rendition ng “Listen” ni Beyonce.

Mababatid na dalawa sa limang Filipino kids singers napasok sa blind auditions ng “The Voice Kids UK” ay lumaban sa grand final.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *