13 rehiyon sa bansa, nakapagtala na ng Delta variant cases

13 rehiyon sa bansa, nakapagtala na ng Delta variant cases

KUMALAT na sa 13 mula sa 17 rehiyon sa bansa ang Delta variant.

Sa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Rosario Vergeire na naitala sa National Capital Region (NCR) ang pinakamaraming kaso ng Delta variant na may 146.

Sinundan aniya ito ng CALABARZON na may 47, Central Luzon na may 39, Central Visayas na may 37 at Western Visayas na may 36 na kaso.

Sa 450 kaso ng Delta variant sa bansa hanggang Agosto 5, nasa 426 pasyente ang nakarekober, sampu ang nasawi, 13 ang aktibong kaso at ang isa ay beneperipika pa.

Ayon sa DOH, 355 sa mga kaso ay local cases, 69 ay Returning Overseas Filipinos (ROFs) habang  beneperipika pa ang 26 na iba pa.

Nasa 83 naman ang may Delta variant na hindi pa nababakunahan kontra  COVID-19, 35 ang fully vaccinated na, 17 ang nakatanggap na ng unang dose habang inaalam pa ang vaccination status sa natitirang 315 cases.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *