Makati KTV bar
Metro

13 babae, na-rescue sa isang KTV bar sa Makati City

NA-rescue ng Makati City Police ang 13 babae mula sa isang KTV bar na umano’y ginagamit bilang isang prostitution den sa Barangay Poblacion, Makati City.

Ayon kay Makati Police Chief Police Colonel Rogelio Simon, nakatanggap ng reports ang mga otoridad na ginagamit bilang front ang KTV bar para sa operasyon ng prostitution den.

Naaresto naman ng pulisya ang may-ari ng KTV bar na isang Taiwanese na si Shih Fang Chen at dalawang Filipina na umano’y nagtatrabaho bilang bugaw ng mga babae.

Mariin namang pinabulaanan ito ng may-ari ng KTV bar maging ng isang customer at babaeng na-rescue.

Sinabi ni Simon na kukunan muna nila ng pahayag ang mga customer at ang mga babaeng nailigtas para sa karagdagang imbestigasyon at titingnan rin ang business permit ng KTV.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *