Job
National

125, 000 job vacancies, alok ng DOLE sa Araw ng Kalayaan

Nasa isang daan at dalawampu’t limang libong (125, 000) bakanteng trabaho ang alok ng Department of Labor and Employment (DOLE)  sa ilalim ng Kalayaan Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) Job and Business Fairs na isasagawa sa Araw ng Kasarinlan.

Ito ang inihayag ni DOLE Usec. Jacinto Paras sa isang pulong balitaan sa Maynila kung saan saklaw na nito ang pribado at pampublikong sektor.

Dagdag pa ni Paras, iaalok nila ang oportunidad ng empleyo sa dalawampu’t isang (21) lugar sa buong bansa.

Nasa 621 employers ang lalahok kung saan 501 rito ay lokal habang 120 naman ang sa ibang bansa.

Ang trabahong lokal ay nasa mahigit animnapung libo (63, 426) habang ang trabaho naman sa ibang bansa ay nasa mahigit limampung libo (53, 636).

Nabatid na kabilang sa mga bansang may alok na job vacancies ay ang Kingdom of Saudi Arabia, United Arab Emirates, Qatar, Malaysia, Japan, Oman at New Zealand.

Nag-aalok naman ang gobyerno ng mahigit pitong libong (7, 770) bakanteng trabaho mula sa Philippine National Police (PNP) Armed Forces of the Philippines (AFP)Philippine Navy at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ang naturang job fair ay kasabay ng paggunita ng ika-20 anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas sa Hunyo 12.

Gugunitain ang 2018 Araw ng Kalayaan na may temang, “Kalayaan 2018 Pagbabagong Ipinaglaban, Alay sa Masaganang Kinabukasan.

Cresilyn Catarong

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *