police personnels PNP
Metro

11,500 na police personnels sinimulan nang ipakalat sa buong Metro Manila

SINIMULAN nang ideploy ng National Capital Region Police Office o NCRPO ang nasa 11,500 na police personnels sa buong Metro Manila.

Kaugnay ito sa ibibigay na seguridad ng pulisya sa publiko sa paggunita ng Semana Santa at summer vacation.

Ayon kay NCRPO Chief Director General Guillermo Eleazar, ipapakalat ang mga ito sa mga mall, simbahan.

Maging sa recreational areas, bus terminals, airports, seaports at istasyon ng tren.

Nakataas na rin sa full alert status ang buong Metro Manila na tatagal hanggang sa Hunyo 3.

Inatasan din ni Eleazar ang mga district direc­tor, chief of police at station commanders na maglagay ng mga police assistance desks.

At iba pang pre-emptive measures habang ginugunita ang Lenten Season at bakasyon.

Nakipagsanib puwersa din ang NCRPO sa Armed Forces of the Philippines (AFP), local government units, force multipliers, volunteer groups.

At iba pang  concerned agencies  para sa kampanya kontra kriminalidad.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *