11 guro sa Ilagan City, Isabela, nagpositibo sa COVID-19

11 guro sa Ilagan City, Isabela, nagpositibo sa COVID-19

NAGPOSITIBO sa COVID-19 ang labing isang guro ng pampublikong paaaralan sa Ilagan City, Isabela.

Ayon kay Governor Rodito Albano, nahawaan ang mga guro ng kapwa nilang guro na may virus at asymptomatic matapos ang kanilang isinagawang pulong.

Ani Albano, nakararanas lamang ang mga guro ng mild symptoms.

Dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19, isinailalim ng gobernador ang Ilagan City, Isabela sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula Oktubre 16 upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Sa isang pahayag, sinabi ni Ilagan City Mayor Jay Diaz na umabot na sa 33 ang COVID-19 cases sa lungsod.

Nag-isyu rin si Diaz ng Executive Order na inilalagay ang sampung barangay sa total lockdown upang mapigilan ang hawaan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *