100 top Muslim leaders sa NCR, makikipagsanib pwersa sa PNP

100 top Muslim leaders sa NCR, makikipagsanib pwersa sa PNP

MAKIKIPAG-alyansa ngayong araw ang nasa 100 top  leaders ng Muslim community sa Philippine National Police sa National Capital Region (NCR).

Kaugnay ito sa kampanya ng pamahalaan na matapos na ang problema ng insurhensiya, iligal na droga at mga kaguluhan sa bansa.

Mula sa mga ginanap na community outreach program ng Philippine National Police, isasakatuparan ngayong araw ang opisyal na pag-iisa ng mga kinatawan ng Muslim communities sa NCR.

Aabot sa sandaang top Muslim community leaders sa NCR ang makikipag-alyansa sa PNP para sa malaking laban ng pamahalaan tungo sa kapayapaan.

Sa pakikipanayam ng SMNI News sa ilang pinuno ng iba’t ibang grupo ng mga Muslim sa NCR, halos iisa lang ang sigaw ng kanilang komunidad, kapayapaan at pagmamahalan.

Hindi para sa kanilang kapwa Muslim kundi maging sa iba pang lahing Pilipino.

Dagdag pa ng grupo ng Muslim, mahalaga ang ugnayan ng mga otoridad sa kanilang pamumuhay upang maisakatuparan din ng mga ito ang maayos at mapayapaan na pakikipag-isa sa pamahalaan.

Isa si Aleyah, isang inang Muslim, na may malaking pasasalamat kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Aniya, simula nang manungkulan si Pangulong Duterte sa bansa, malaki ang ipinagbago ng mga komunidad lalo na sa kampanya nito sa naglalakihang problema sa bansa gaya ng droga, korupsiyon, terorismo o insurhensiya.

Bilang isang ina, aniya, natatakot siya na maging biktima  ng karahasan ang kanyang nag-iisang anak pero dahil sa Duterte administration, nabawasan aniya ang kanyang pangamba.

Ang nasabing mga pinuno ng Muslim community ay nakatakdang maglaan ng kanilang lagda para sa isang peace covenant

Opisyal ding manunumpa ang mga ito bilang force multipliers ng PNP.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *