Regional

100 minero natabunan sa minahan sa Itogon, Benguet

TINATAYANG nasa 100 indibidwal ang sinasabing natabunan sa isang abandonadong minahan sa Itogon, Benguet.

Ayon kay Itogon Mayor Victorio Palangdan, pawang mga small scale miners ang natabunan.

Tatlumpung bangkay na ang nahukay mula sa gumuhong lupa at tatlo pa lang ang nakilala dito.

Inabandona ang naturang minahan ng Benguet Corporation ngunit pinasok ito ng mga maliliit na mga minero.

Sinasabing nagtago sa bunkhouse ang mga minero kasama ang kanilang pamilya sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Ompong.

Ngunit natabunan ito nang magkaroon ng pagguho ng lupa dala ng epekto ng bagyo.

Sa ngayon ay patuloy ang search and rescue operation ng mga otoridad sa mga small scale miners na natabunan ng lupa.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *