10-wheeler truck
Metro

10-wheeler truck, sumalpok sa apat na poste sa UN Avenue sa Maynila

SUMALPOK ang isang 10-wheeler truck sa apat na poste ng kuryente sa Eastbound Lane ng UN Avenue sa Maynila.

Ayon sa driver ng truck na si Joselito Remo, nawalan siya ng kontrol sa manibela ng sasakyan kaya naaksidente.

Laman ng truck ang bote ng softdrinks na dadalhin sana sa Pampanga.

Sa lakas ng pagkakabangga, naputol ng trak ang 2 kahoy na poste habang tumagilid naman ang 2 pang posteng gawa sa semento.

Nabasag din ang windshield ng truck at nayupi ang harapang bahagi nito.

Wala namang nasaktan o nasugatan sa aksidente.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *