10-taong gulang na bata, nasawi dahil sa ‘Blackout Challenge’ sa TikTok

10-taong gulang na bata, nasawi dahil sa ‘Blackout Challenge’ sa TikTok

NASAWI ang isang 10 taong gulang na bata matapos gumawa ng “Blackout Challenge” na umano’y napanood nito sa social media platform na TikTok sa bansang Italy.

Dinala ang biktima sa isang ospital sa Palermo dahil sa cardiac arrest at dineklarang brain dead sa naturang ospital.

Ayon sa ulat, tinalian ng bata ang kanyang leeg ng sinturon bilang bahagi ng challenge, na kungsaan hinihikayat nito ang ang mga tao na subukang mahimatay sa pamamagitan ng paglimita sa airflow.

Isang klase rin ng Pass Out challenge ay paghihikayat sa mga tao na yugyugin ang ulo hanggang sa sila ay himatayin.

Sinabi naman ng ilang imbestigador, lumahok ang bata sa nasabing challenge sa pamamagitan ng hindi paghinga hanggat sa makaya nito.

Ang Blackout Challenge na kilala rin sa Choking Game o Fainting Game ay hindi nagsimula sa TikTok at ito ay namamayagpag na ng ilang taon.

Sa rekord ng TIME magazine noong 2018, umabot na sa 82 bilang ng mga bata sa pagitan ng 6 hanggang 19-taong gulang ang nasawi sa Amerika dahil sa larong ito sa pagitan ng taon 1995 hanggang 2007.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *