10 Japan speed skating members, nagpositibo sa COVID-19 sa Germany

10 Japan speed skating members, nagpositibo sa COVID-19 sa Germany

NAGPOSITIBO sa COVID-19 sa Germany ang sampung miyembro ng Japan speed skating team habang nasa kanilang international tour.

Habang dumadalo sa isang training camp sa Inzell, Germany nagpositibo sa COVID-19 ang apat na atleta at anim na staff na miyembro ng Japan national speed skating team.

Ang mga nagpositibo sa COVID-19 ay dumaan sa pitong araw na quarantine kasunod ng health protocols na ipinapatupad sa lugar.

Nasa kabuuang dalawampu’t dalawang skater at labintatlong staff kabilang sina 2018 Winter Olympic medalist Nao Kodaira at Miho Takagi ang kasama sa nasabing international training tour.

Umalis ang koponan sa Japan noong nakaraang buwan upang magsanay sa Germany bago ang unang event ng World Cup Circuit na gaganapin sa Nobyembre 2 hanggang 14 sa Tomaszow Mazowiecki sa Poland.

Ang quota spots para sa Beijing Winter Olympics ay makakamit sa pamamagitan ng mga resulta mula sa apat na world cup events na gaganapin sa buwan ng Disyembre sa mga bansa ng Europa at North America.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *