Davao ASF
Regional

10, 000 baboy, pinatay sa Davao Region dahil sa ASF

NASA 10,000 alagang baboy ang isinailalim sa culling o pagpatay dahil sa outbreak ng African Swine Fever o ASF sa mga barangay ng Bayan ng Don Marcelino Davao Occidental at Davao City.

Ito ang ibinunyag ni Agriculture Secretary William Dar bilang bahagi ng mga hakbang ng Department of Agriculture (DA) para maiwasan ang pagkalat ng ASF sa iba pang lugar sa Davao Region.

Kaugnay nito, binista ni DAR ang Davao del Sur at Davao City para manguna sa mga isinasagawang hakbang ng mga local officials, veterinarians at hog raisers.

Unang pumutok ang kaso ng ASF sa Barangay Dominga at Lamanan sa Calinan District, Davao City.

Samantala, aprubado na ng lungsod ng Davao ang 20 milyong financial assistance na ibibigay sa 2, 714 na mga apektadong hog raisers.

Illegal hog trading, isa sa dahilan ng mabilis na pagkalat ng ASF

Isang tinitingnan na dahilan ang illegal hog trading o ang pagpapalusot ng mga baboy na apektado ng African Swine Fever (ASF) sa mabilis na pagkalat ng sakit sa Davao Region.

Sa panayam ng SMNI News kay Department of Agriculture Sec. William Dar ay sinabi nito na isang dahilang ang ilegal na pagkalakal ng mga baboy na apektado ng ASF sa mabilis na pagkalat ng sakit sa Davao Region dahilan upang paigtingin ang checkpoint sa mga apektadong lugar.

“It’s the trading that is now causing the spread. That is why yung checkpoint kung wala dapat kaukulang mga dokumento ay huwag nang papasukin,” pahayag ni Dar.

Ayon kay Dar ay apektado na rin ng ASF ang ilang mga probinsya sa Cordillera Administrative Region (CAR) tulad ng Kalinga at Benguet bagama’t maliit na populasyon pa lamang aniya ng mga baboy ang apektado sa ngayon.

Pinaniniwalaang nagsimula ang ASF sa munisipalidad ng Tuba sa Benguet kung saan gumagamit na rin ng pribadong sasakyan ang ilang mga hog traders na kalimitan ay galing Central Luzon upang makalusot sa checkpoint.

“Yung mga naglalako nang pork galing dito rin sa Central Luzon, lusot sila sa checkpoint, kasi gumagamit na rin sila ng private vans.”

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *