Himamaylan
Regional

1 sundalo at 3 rebelde, patay sa engkuwentro sa Himamaylan, Negros Oriental

PATAY ang isang sundalo habang sugatan ang iba pa matapos makaenkwentro ang mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Himamaylan, Negros Oriental.

Ayon sa militar, naka-engkwentro ng tropa ng 62nd Infantry Battalion ng Philippine Army ang nasa 20 NPA sa Sitio Boyuron, Barangay Buenavista.

Isinagawa aniya ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon na may mga armadong NPA sa naturang barangay.

Nasawi sa bakbakan ang isang private first class habang sugatan ang isang sergeant at isang corporal.

Tatlong rebelde naman ang naiulat na nasawi sa sagupaan.

Sa ngayon ay patuloy ang manhunt operation ng militar laban sa mga nakatakas na NPA.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *