sa Buguias
Regional

1 patay, 1 sugatan sa landslide sa Buguias, Benguet

ISA ang patay habang isa ang sugatan sa landslide sa Upper Cotcot sa Bangao sa Buguias, Benguet.

Nakilala ang nasawi na si Gloria Rolando Langawan, 72 anyos habang sugatan ang kanyang 10-taong gulang na apo na si Ben Rafael Langawan na agad isinugod sa Lutheran Hospital.

Ayon sa Benguet Police, alas-11 ng gabi nang matabunan ng gumuhong lupa ang bahay ng mga biktima dahil sa paglambot ng lupa na dulot na naranasang pag-ulan sa lugar.

Patuloy naman ang clearing operation sa lugar.

Maliban sa landslide sa Buguias, nakapagtala rin ng landslide sa Bokod, Benguet.

Sa datos ng Benguet PDRRMO, 19 na katao ang inilikas at dalawang bahay ang napinsala.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *