1 coach ng Pilipinas na kasama sa Tokyo Olympics, pinauwi sa bansa matapos magpositibo sa COVID-19

1 coach ng Pilipinas na kasama sa Tokyo Olympics, pinauwi sa bansa matapos magpositibo sa COVID-19

PINAUWI ng Philippine Olympic Committee (POC) ang isang miyembro ng Philippine coaching staff na kasama sa Tokyo Olympic delegation.

Ito ay matapos magpakita ng back-and-forth positive at negative COVID-19 tests gamit ang saliva test at confirmatory test.

Ayon kay POC President Abraham “Bambol” Tolentino, muling isasailalim ang coach sa panibagong testing pero anuman ang maging resulta nito ay pauuwiin na ito ng bansa.

Hindi naman pinangalanan ni Tolentino ang coach at ang sports team nito.

Ang Tokyo 2020 Olympics ay nagpapatupad ng mahigpit na COVID-19 protocols kabilang ang araw-araw na saliva testing sa mga atleta, opisyal at mga coach na nanatili sa Athletes’ Village.

 

SMNI  NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *