1-7-10 protocol
Regional

1-7-10 protocol, ipinatutupad sa Pangasinan kasunod ng kaso ng African Swine Fever

IPINAG-utos na ng Pangasinan Provincial Government ang pagpapatupad ng 1-7-10 protocol ng Department of Agriculture.

Ito ay matapos na magpositibo sa African Swine Fever ang 15 baboy na naiulat na namatay sa Barangay Baloling sa Bayan ng Mapandan.

Napag-alaman naman nagaling sa bayan ng Bustos sa Bulacan ang mga nasawing baboy.

Dahil dito, sasampahan naman ng provincial government ng kaukulang kaso ang mga hog raiser na nagpasok ng mga baboy sa probinsya.

Sa ngayon, pinaigting ng lokal na pamahalaan ang pagpapatupad ng animal quarantine checkpoints upang hindi na muling malusutan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *