1.5-M doses ng Sinovac vaccines, dumating na sa bansa

1.5-M doses ng Sinovac vaccines, dumating na sa bansa

DUMATING na sa bansa ang panibagong batch ng 1.5 milyong doses na Sinovac vaccines na binili ng gobyerno at ng pribadong sektor.

Alas 7:15 kaninang umaga nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport ang mga bakuna sakay ng Cebu Pacific Flight.

Malugod na sinalubong ito ng Filipino-Chinese community kasama sina National Task Force vaccine czar Carlito Galvez, Jr. at Health Secretary Francisco Duque III.

Kasama ang order ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. na kalahating milyong doses sa mga dumating.

Ito na ang ikatlong shipment ng Sinovac vaccines ngayong buwan.

Sa ngayon, mayroon na ang Pilipinas na kabuuang 14,205,870 vaccine doses.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *