cash
National

1.3 billion unclaimed cash grants ng 4P’s, pinabubusisi

NAIS ipabusisi ni Senador Leila De Lima ang hindi pa naibibigay na pondo ng conditional cash transfer ng pamahalaan sa libu-libo nitong benepisyaryo.

Kasama na rito ang panawagan din ni Senator Nancy Binay kaugnay sa mungkahi nitong imbestigasyon para sa naturang anomalya

Matatandaang, batay sa pag aaral ng Commission on Audit o COA, umabot sa 1.3 billion pesos ang hindi pa nankakakuha ng kanilang cash transfer mula pa noong 2017

Maliban dito, hiniling din ni De Lima na mamagitan na dito ang Department of Social Welfare and Development para sa kaukulang solusyon.

Aniya ay mapanagot ang sinumang may kinalaman at nasa likod ng nasabing kontrobersiya.

Isa sa mga inaalala ng senador ang mabilis na access ng mahihirap na pamilya sa kanilang agarang tugon partikular na sa serbisyong medikal dahil sa tulong ng CCT.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *