Wynwyn Marquez
Showbiz

Wynwyn Marquez, nagsalita ukol sa pagsali ng trans-women sa Miss Universe

Nagpahayag si Reina Hispanoamericana 2017 Teresita ‘Wynwyn’ Marquez ukol sa pagsali ng mga transwomen sa prestihiyosong Miss Universe pageant. Kasunod ng pagkapanalo ni Angela Ponce, isang transwoman, bilang Miss Universe Spain 2018.

Ayon kay Wynwyn, wala itong issue laban sa mga transgender at masaya ito dahil unti-unti nang nakakakuha ng respeto ang mga transgender sa mundo pero sana ay ibigay na lang ang Miss Universe sa mga natural born women.

Dagdag pa ni Wynwyn, mayroon namang Miss International Queen, isa sa mga prestihiyosong pageant na inilaan para sa mga trans.

Samantala, wala pang inilalabas na official statement ang Miss Universe Organization. Kung papayagang makasali si Angela Ponce sa inaabangang Miss Universe 2018.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *