wrestler
Sports

WWE Wrestler ‘Kane’ nahalal na bagong mayor ng Knox County

Pamumunuan na ng dating wrestler na si Glenn Thomas Jacobs ang Knox County, Tennessee bilang mayor.

Kilala sa Thomas mundo ng WWE bilang “Kane.”

Nakapagtala ng two-thirds vote ang 51-anyos na si Jacobs laban kay Democrat Linda Haney.

Ang Republican na si Thomas Glenn Jacobs na nagtago ng ilang taon sa maskara ng wrestling ay mas magbibigay ng pansin sa pagkaroon ng mas mababang tax, maaayos na infrastructure at ipaglalaban ang  transparency sa gobyerno.

Siya ay ipinanganak sa military installation sa Madrid, nakapagtapos ng Bachelor’s Degree in English at produkto ng isang airforce family.

Nakatakdang manumpa bilang  bagong mayor si Thomas Glenn Jacobs sa darating na September 2.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *