WTA
Sports

Tennis players Svitolina at Pliskova, aabante sa WTA Finals

AABANTE sa US Open Champions WTA Finals sa Singapore ang tennis players na sina Elina Svitolina at Karolina Pliskova.

Pagkaraang naungusan ni Svitolina ang defending champion na si Caroline Wozniacki sa naging match set nila.

Nagtapos ang kanilang laro sa score na 5-7, 7-5, 6-3.

Sa naging performance ni Svitolina ay sigurado na itong makakapasok sa huling apat na finals spot na may 3 win – 0 loss record.

Una naman ng nakakuha ng pwesto at umabante sa finals ng torneyo ang Czech na si Karolina Pliskova.

Matapos nitong tinalo ang compatriot na si Petra Kvitova sa winning score na 6-3 6-4.

Mayroon namang 2 win- 1 loss record sa White Group Play ang player na si Pliskova.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *