work
National

Panukalang work-from-home ganap ng batas

SMNI News

MAAARI ng makapagtrabaho ang isang manggagawa kahit na sa loob ito ng kanyang pamamahay.

Ito ay makaraang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na Telecommuting Act o mas kilala bilang work-from-home scheme.

Tugon naman ito bilang alternatibong paraan para tulungan ang maraming manggagawa na laging nahuhuli sa trabaho.

Dahil sa poor transportation mode dito sa bansa partikular na sa Kalakhang Maynila.

Kailangan namang magkaroon ng mutual agreement sa pagitan ng employer at ng employee hinggil sa magiging trabaho nito.

Sa ilalim ito ng work-from-home scheme.

Araw-araw ay kapahero rin ang magiging benipisyo ng nasa work-from-home scheme.

Tulad ng isang regular na empleyado na pumapasok sa opisina o workplace.

Kabilang na dito ang pagkakaroon ng rate of pay kabilang ang overtime and night shift differential at iba pang monetary benefits.

Sakop rin nito ang pagkakaroon ng rest periods, regular holidays, and special non-working days.

Kabilang din ang equivalent workload at performance standards, access to training and career development opportunities at iba pa.

Samantala, sa ilalim rin ng naturang batas, inatasan nito ang Department of Labor and Employment.

Kungsaan ay bubuo ito ng Telecommuting Pilot Program sa ilang piling industriya sa loob ng tatlong taon.

Epektibo naman ang naturang work-from-home scheme labing limang araw matapos itong mailathala sa mga pahayagan at sa official gazette.

Kaugnay nito, lubos namang nagpapasalamat si Senator Joel Villanueva ang pangunahing may-akda ng naturang batas sa pagiging ganap na batas nito.

Disyembre 20, nitong nagdaang taon ng lagdaan ng pangulo ang naturang batas ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Umaasa naman ang senador na maraming manggagawang Pinoy ang matutulungan ng work-from-home scheme.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *