2020 Olympic qualifier
Sports

Women’s Football team, sinimulan ang kampanya sa 2020 Olympic qualifier

HINDI na nga nagpatumpik-tumpik pa ang Philippine Women’s National Football team at agad nagpasiklab sa pagbubukas ng 2020 Olympic qualifier.

Sinimulan ng mga Pinay footballer ang kanilang kampanya sa torneyo ng may unang panalo sa naging tapatan nila ng team Singapore.

Nagtapos ito sa score na 9-0 nitong linggo sa Hisor Central Stadium sa Tajikistan.

Sa unang limang minuto pa lamang ay hindi na agad pinaporma ng team Ph ang mga Singaporean player.

Matapos maka-goal agad ang UST star na si Shelah Cadag.

Sinundan naman agad ito ng 5 point advantage ng mga Pinay footballer.

Matapos makapagpasok ng isang puntos si Alesa Dolino sa 27th minute ng laro.

Si Hali Long naman sa 32nd minute habang nakapagbigay ng kaniyang ikatlong goal si Cadag sa 43rd minute ng match game.

Pagpasok ng second half inilayo pa ng Ph women’s team ang kanilang iskor sa kontra Singaporean player.

Matapos inilagay ni DLSU player Irish Navaja ang score sa 6-0 lead sa 52nd minute ng laro.

Tumulong din ang CO-Lassalian na si Sara Castaneda ng isa pang goal pagdating sa 57th minute.

Idinodoble naman ni Hali Long ang kaniyang score contribution dalawang minuto pa lamang ang nakakalipas.

Tinapos naman ni Navaja ang match set sa huling goal nito pagdating ng 67th minute.

Nagtapos ang 90 minute match rally game ng Pilipinas ng may dalang saya at pag-asa para sa nalalapit na Olympics.

Sunod naman na makakaharap ng Ph Women’s Football National team ang host nitong Tajikistan sa Huwebes, Nobyembre 8.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *