Weightlifting Fairy
Showbiz

Weightlifting Fairy Kim Bok-Joo, bibisita sa bansa

HANDA nang magpasaya ng Filipino fans ang Korean actress na gumanap bilang Kim Bok-Joo sa Pinoy K-drama favorite na Weightlifting Fairy.

Nakatakdang bumisita sa bansa para sa isang fan meet event ang actress-model na si Lee Sung Kyoung sa Hulyo 27 na gaganapin sa SM Sky Dome sa ganap na 7:00 ng gabi.

Magiging available naman ang mga tickets nationwide at online para sa naturang event ng K-idol sa Mayo 31.

Bukod sa Weightlifting Fairy ay nakilala din si Lee Sung Kyoung sa kaniyang roles sa “Cheese in the Trap”, “The Doctors” at “About Time.”

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *