Western Conference Finals
Sports

Warriors, nagwagi sa First Game ng NBA Western Conference Finals

MATAGUMPAY na naipanalo ng koponan ng Golden State Warriors ang Game 1 ng NBA’s Western Conference Finals kontra Portland Trailblazers na nagtapos sa score na 116-94.

Pinainit naman ng NBA’s superstar na si Stephen Curry ang laro na nakapagpuntos ng 36 points para maiangat ang Warriors.

Tumulong din ang player na si Klay Thompson na kumamada ng 26 points at si Draymond Green na nagdagdag ng 12 points.

Bigo man ang Trailblazers sa Game 1 ay nagpakita pa din ng gilas at galing ang player na si Damian Lillard na nagpakawala ng 19 points.

Nag-ambag naman ng tig-17 points sina CJ McCollum, Maurice Harkless at Rodney Hood.

Nakapagpuntos naman ng isang 3-pointer si Seth Curry na inasahang makikipagsabayan sa kaniyang kapatid na si Stephen.

SMNINEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *