Warriors
Sports

Warriors, muling tinalo ang Cavs sa Game 3 ng NBA Finals

Isang panalo na lang ang kailangan ng Golden State Warriors para makuha ang kampeonato sa NBA.

Ito’y matapos na muling talunin ng Warriors ang Cleveland Cavaliers sa Game 3 ng kanilang Best of 7 series sa homecourt ng Cavs.

Nagawa pang makalamang ng mahigit sampung puntos ang Cavs sa unang bahagi ng laro, ngunit sa huli ay nanaig pa rin ang team efforts ng Warriors.

Nanguna sa Warriors si Kevin Durant sa kanyang 43 points at 13 rebounds.

Nag-ambag naman ng 11 points si Stephen Curry at tig-10 puntos sina Draymon Green, Klay Thompson, Javale Mcgee, at Jordan Bell.

Nakapaglaro namang muli si Andre Iguodala na nakakuha ng 8 points.

Kumamada ng husto para sa Cavs ay si Lebron James na nakakupo ng 33 points.

Nagambag naman ng 20 points si Kevin Love at 15 points si Rodney Hood.

Muling magtutuos ang dalawang koponan sa Game 4 ng NBA Finals sa darating na Sabado sa homecourt ng Cavs.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *