Warriors
Sports

Warriors, 2-0 na sa NBA Finals Series

Nasa 2-0 lead na ang Golden State Warriors sa Best of 7 series ng kanilang laban kontra Cleveland Cavaliers sa NBA Finals.

 Itoy matapos talunin ng Warriors ang Cavs sa Game 2 ng kanilang laban sa iskor na 122-103.

 Mula una hanggang sa huling yugto ng laban ay hindi pinatikim ng Warriors ng lamang ang Cavs.

 Nanguna sa Warriors si Stephen Curry sa kanyang 33 points.

Nakapagtala rin si Curry ng kasaysayan sa NBA na may pinakamaraming naibuslo na 3 point shot sa isang Finals game matapos itong makashoot ng 9 na 3 points shot.

 Nag-ambag din sa Warriors si Kevin Durant sa kanyang 26 points, at 20 points naman si Klay Thompson.

 Kumamada naman ng husto para sa Cavs si Lebron James sa kanyang 29 points

 Tumulong din sa Cavs si Kevin Love sa kanyang 22 points.

Ang Game 3 ng laban ay gaganapin sa Huwebes sa homecourt ng Cavaliers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *