VP Robredo
National

VP Robredo, ikinababahala ang pagkakatanggal ni Sereno

Ulat ni: Troy Gomez

Nagbitiw ng pahayag si Vice President Leni Robredo kaugnay sa pagkakatalsik ni Maria Lourdes Sereno bilang chief justice ng Supreme Court.

Sa isang pahayag ng bise presidente, ang pagpabor ng kataas-taasang hukuman quo warranto petition ay tahasang pagyurak sa pinaka-sagradong institusyon ng ating bayan.

Lubos na ikinababahala ni Robredo ang pagkatatangal ng isang impeachable official na hindi dumaan sa impeachment proceedings.

Samantala, hinikayat naman ni Robredo ang taumbayan na bantayan ang mga susunod na pangyayari upang maipagtanggol ang hudikatura, saligang batas at demokrasya.

Tiniyak naman ni Robredo na hindi pa tapos ang laban lalo na’t papalapit na ang botohan sa May 14.

Dag dag pa ni Vice President Leni Robedo

“I have said meron pa namang natitirang remedy galangin natin yung proseso, nakikipag laban tayo, pero hindi ito para kay Maria Lourdes Sereno itoy para sa lakas ng ating hudikatora”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *