Voting powers
National

Voting powers ng mga mahistrado, muling ibinalik ng Korte Suprema

Muling binuhay o ibinalik ng Korte Suprema  ang voting powers ng mga mahistrado para makapagrekomenda ng personalidad para maupo sa bakanteng posisyon sa Supreme Court.

Dati ay itinigil ng korte ang nasabing proseso.

Pinigilan ang kapangyarihan ng mga mahistrado simula ng maupo bilang chief justice si Atty. Maria Lourdes Sereno.

Kasabay nito ng pagiging ex official chairperson ng Judicial and Bar Council (JBC).

Matapos magrekomenda ay dadaan pa sa botohan ang mga aplikante.

At ang resulta ng botohan ang bibigyang konsiderasyon ng JBC.

Kaugnay naman ng mababakanteng pwesto sa Korte Suprema dahil magreretiro na sa Agosto si Associate Justice Prebitero Velasco, ay apat (4) na pangalan ang inirekomenda at pinagbotohan ng Korte Suprema.

Ito ay sina:
  • CA JUSTICE ROSMARI CARANDANG -10 votes
  • SC ADMINISTRATOR JOSE MIDAS MARQUEZ – 8 votes
  • CA JUSTICE JOSE REYES – 6 votes
  • CA JUSTICE RAMON GARCIA – 6 votes
 SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *