Showbiz

Vina Morales hiwalay na sa French BF

Kinumpirma ng aktres na si Vina Morales na hiwalay na sila ng Pranses na nobyong si Marc Lambert.
Ayon kay Vina, nagdesisyon siyang tuldukan na ang mahigit dalawang taon nilang relasyon dahil mahirap ang long distance relationship.
Aniya, pareho silang hindi handa na magsama sa iisang lugar dahil sa kani-kanilang obligasyon sa buhay.
Naka-base si Marc sa Geneva samantalang nasa Pilipinas naman ang pamilya at karera ni Vina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *