validity
National

Validity ng kaso ni Sen. de Lima, hindi kinikilala ng senadora

Hindi kinikilala ni Senadora Leila de Lima ang legitimacy at validity ng mga kasong isinampa laban sa kanya.

Ito ang pahayag ni de Lima matapos basahan ng sakdal kaugnay sa kinakaharap na kasong illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP) sa Munitinlupa City.

Tumanggi si de Lima na maghain ng plea.

Nagbigay na lang ng not guilty plea si Judge Lorna Navarro-Domingo, ng Muntinlupa City Regional Trial Court, Branch 206.

Naghain din ng “not guilty” plea para sa kanilang kaso sina dating Bureau of Corrections (BUCOR) Director Fran­klin Jesus Bucayu, Ronnie Dayan at Joenel Sanchez.

Nag-ugat ang kaso matapos sampahan si de Lima at ilan pang personalidad dahil umano sa umano’y illegal drug  trade sa NBP noong March 13 hanggang Mayo 2015 noong si de Lima pa ang kalihim ng DOJ.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *